Skip to main content

Walk-in Support in Level Up! Office for Cabal Online PH

"Na-hack ako! Na-changed password ang account ko!
Nakalimutan ko na ung pin at email ng account ko!
ANONG GAGAWIN KO?"

Walk-in Support in Level Up! Office for Cabal Online PH

Walk-in Support in Level Up! Office

Madalas tayo nagtatanong kung ano ang dapat nating gawin. Simple lang, mga Cabalista!
Mag-file agad ng ticket sa Level Up! Play portal. Alam nating lahat na mahirap maghintay ng sagot sa pag-file ng ticket, kaya sa mga gustong magpunta na agad sa opisina ng Level Up!, pwede naman!
Ang Level Up! Customer Support ay may tinatawag na Walk-In Support service kung saan maaaring pumunta ang gamer sa Head Office ng Level Up! para personal na silang matulungan ng mga Customer Support Agent. Halimbawa, sa isang kaso na bigla kang nawalan ng kontrol sa inyong account dahil may nagbago ng sub-password nito. Sinubukan mo ng gamitin ang sub-password security question ngunit hindi mo pa rin mabawi ang iyong account hanggang sa ma-blocked na ito.

NGUNIT TANDAAN: Partikular lamang ang mga kaso (cases) na tinatanggap sa mga walk-in support. Ang mga ito ay:

1. Account Information Changes
- Kung may ipapabago ka sa info ng iyong account. Example: Gusto mong palitan ang email pero hindi mo magawa sa Level Up! Play portal dahil hindi mo matandaan ang pin mo.

2. Account Information Retrieval
- Kung may aalamin kang impormasyon na nakalimutan mo. Example: Kung nakalimutan mo ang pin ng iyong account.

3. Game Information Retrieval
TANDAAN: Kailangan mong mapatunayan na sa iyo ang account kaya:
1. Dapat sa iyo nakapangalan ang account.
2. Magdadala ka ng dalawang valid IDs (or Birth Certificate, School ID para sa mga 18 years old and below)

PAANO PUMUNTA SA LEVEL UP! HEAD OFFICE?

Address:
The Pacific Star Building 11th Floor,
Buendia Avenue corner Makati Avenue, Makati City, Metro Manila, Philippines

Business Hours: 11:00am to 6:00pm Mondays to Saturdays

Source

Comments

  1. Hello po....ask ko lang po kung pwede rin ba sa mga player ng Ran online... toh kasi na blocked yung account ko di ko na man alam kung bakit.... thanks sa pag sagot...

    ReplyDelete
  2. yup! pwede rin, under naman ng Level Up! ang Ran Online..

    ReplyDelete
  3. Dyan pa rin ba po office niyo sa pacific star? Pumunta po kasi ako kanina sabi wala na daw level up dun.

    ReplyDelete
  4. so far hindi ko pa naccheck kung saan na ang bagong location ng levelup games...

    ReplyDelete
  5. Hi, nag lipat na po b tlga ng Address ang Level up since when? medyo ntataot lang kame baka mag sasara na sila?

    ReplyDelete
  6. saaan po ba office ng level up ung bago po?

    ReplyDelete
  7. hello ask ko lng po if pwede ba mabawi ung account na natransfer ng wala naman pahintulot...????please..help me

    ReplyDelete
  8. Pwede. File ka ng ticket. https://dandiely.wordpress.com/2015/01/28/how-to-file-ticket-in-level-up-support-center-new/

    ReplyDelete
  9. saan na po ba ang office ng cabal ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pacific start building sa Makati, pero hindi na ata sila nagpapa-walk in na customer support.. via ticket filing na lang talaga..

      Delete

Post a Comment