Nagsalita na ang mga CABAL PH players — heto na ang mga types of players sa Cabal Online PH. Alin ka dito? Hahaha!
The Photographer
Ang player na walang ginawa kundi mag-screenshot ng kanyang character. Gawing profile picture. Gawing cover photo.The Fashionista
Siya ang player na nauuna pang makumpleto ang mga latest costumes kaysa sa mabuo ang set! Forever nakaporma, halos everyday new costume.The Hugutero
Lahat na lang ng bagay, hinugutan ni player. Ultimo pagkadapa ng character, may katumbas na hugot.The Reporter
Always naka-open ang Bandicam or video recorder just in case makahuli ng gumugulong or naghihimalang characters.Alipin ni Procyon / Alipin ni Capella
Mga players na nabubuhay lamang tuwing Mission Wars.The Favorite
Ito ang player na paborito ng bayan! Paboritong i-bully, i-trashtalk, pagtawanan, at asarin. Kawawa ka naman bes, pero sakyan mo lang! Haha!The Force Bully
Ito ung mastermind ng pambubully sa kapwa player. Mapa-totoo man o pawang katuwaan lang. Siya ang nangunguna sa pang-aasar sa tropa o kakilala!
The Businessmen
Sila ang mga players na ginawa ng hanapbuhay ang Cabal. Online 24/7. Hunt 24/7. Transaction 24/7. Bili dito, benta doon.The BigTime
Sila ang mga players na tinatawag rin nating rich kids, or PHP boys. Marami silang pera kaya naman easy lang makabuild ng perfect mamaw set, pati na costumes and pet sagad sa lakas at customization!The Love Life Hunter
Isang klase ng mga hunters na hindi lamang items ang pinaghihirapang i-hunt. Nagbabakasakali rin silang matagpuan sa CABAL ang kanilang forever (makatagpo ng GF/BF). Fighting! ♥The Couple Snowman
Ito ang couple players na nagkatagpo in-game, naging sila, at patuloy pa ring naglalaro together. Ilan sa kanila ay nauwi na rin sa kasalan. Ito ang #forevergoals ng mga Love Life Hunters.
The Lovey Dovey
Madalas, mga mag-couple players ito na super cheesy at lagkit sa chat — maski pa normal chat, guild chat, or worse, shout chat pa! Kalat na kalat sa buong Nevareth ang kanilang mga "Hi Honey, kumain ka na ba? I love you to the moon and back. Mag-date tayo sa S2. Mwah! Mwah! Tsup! Tsup!"
The Tropang Ma-L
Ang mga players na puro kabastusan at pagka-green-minded ang alam sa laro. Lahat ng hugot at banat, hindi pwedeng walang kamanyakan!The Quitter
Nagka-alz, nabasagan ng set, nag-quit. O kaya naman: Nagka-set, na-hack, nag-quit. :(The Quit Kuno
Nagka-alz, nabasagan ng set, nagquit, bumalik, nag-quit ulit, bumalik ulit. Pwe.The Famous
Kilala mo. Kilala ng ex mo. Kilala ng bes mo. Kilala ng mga kaguild mo. Kilala ng mga manyak. Kilala ng mga buyers at sellers. Famous sa Facebook at sa lahat. Di natin alam kung bakit siya famous. Basta famous siya.The Pa-Famous
Ang player na galing na galing sa sarili. Palaging nagsa-shout para magpasikat, magpacute, at pangatawanan ang pagiging famous. Naging famous naman siya, sa pagiging pa-famous niya.The Crafter
Ubusan ng alz. Ubusan ng resources. Ubusan ng time. Ubusan ng pasensya. Basta may ma-craft lang.
The Taga-Ups
Ang player na walang takot, basta ups lang ng ups! Ilang beses ng nadowngrade at nabasagan ng items, pero ups pa rin. Ups is life!
The Ups Choir
Sila ang mga players na nagch-cheer sa mga nag-ups. May dalawang klase ng tono ang Ups Choir. Una, ung mga sumisigaw ng "i-ups na yan!" at pangalawa, ung himihiyaw ng "di naman sa nega ako ah, binalaan na kita!"
The Sigurista
May trauma sa pag-u-ups. Hindi bale ng magbenta ng items, para makabili ng item na mataas ang ups, kaysa magbakasakali sa pag-upgrade.The Dummy Master
Nag-online. Nagtungo sa training dummy. Nag-grind. Nag-AFK.The Colony Dancers
Nag-online. Gumitna sa town. Nag-/dance. Nag-AFK. Langya. Daming pambayad ng kuryente.The Dungeon Raiders
Ito ang mga players na nag-oonline para magdungeon. 10 runs? 20 runs? 50 runs? May kota, bes. Pag-ihi lang ang pahinga. Sige idagdag mo na rin ang pagtimpla ng kape at yosi break.The Hingi Master
"Maw, penge item, meron ka po bang lumang item?""Idol, penge alz, pang-pots lang."
Ito mga kaibigan, ang mga beterano sa panghihingi!
The Buraots
Ang mga players na may maglink lang na naka-loot sila ng magandang item sa dungeon, o kaya makabenta ng bentables, aba, nangunguna sa paghingi ng balato!The Loot Runners
Sila ang mga players na kunwari makiki-join sa party at magpiprisintang PT leader, pero after ma-clear ang DG, itatakbo na ang mga loots.
The Gullibles
Mga players na ang bilis mauto ng scammer at poser. Sad.The Silent Knight
Tahimik sa PvP. Tahimik sa MWAR. Tahimik sa guild chat. Tahimik sa party. Halos hindi mo maramdaman na online pala. Makikita mo na lang na nag-logout na pala.The Tech Geek
Ito ang mga player na kayang sagutin ang mga tanong mo tungkol sa mga issues sa game client, sa tamang specs ng PC, sa problema ng internet connection mo, at kung bakit nakakaapekto ang mga ito sa gaming experience mo. Sila ang sagot sa inyong problemang teknikal.
The Standbyers
Sila ang mga players na naka-online lang pero walang ginagawa.The Two-Headed Soldier
Ito ang isang character na maraming katauhan — in short, maraming gumagamit ng character na ito. Kaya kung minsan nakakalito kung sino na ba talaga ang kausap mo sa tuwing mag-oonline ito. Either may pilot, or dalawa talaga silang may-ari ng account.
The Game Master
Magaling sa PvP, madiskarte sa dungeons, no mercy sa Mission War. Alam ang teknikan sa skills, stats build, dungeon quests, atbp. Lahat alam.The Pilot
Ang character na kapag kinausap mo, sasagutin ka ng "Pilot po." Di mo alam kung pilot ba talaga o ayaw ka lang kausapin.The PK Guy
Wala nang ibang ginawa kundi mam-PK, mapa-channel 11 man o sa mga ka-opposite nation sa war zones. Kahit ung mga nananahimik sa training dummy, pini-PK rin! Kasi wala lang, gusto lang niya mam-PK.The Macro Guy
Makiki-PT ka sana para magpalevel, kaso hindi sila kumikibo sa PT invitation or chat mo. Sinubukan mo ngayon na i-lure ung boss mob sa kanila, tapos ayun. Na-deads for 170 seconds. Tapos 'di na nakabalik. Alam na.
The Grasshoppers
Ito ang player na hindi mapirmi sa isang guild. Hindi pa nakakalipas ang ilang araw, makikita mo iba na naman ang guild niya! Ang dapat na island hopping naging #GuildHoppingGoals!The Mega Star
Ito 'yung player na may unlimited stock ng megaphone. Lahat ng chat niya, naka-megaphone. Siya ang pasimuno or tagasawsaw sa mega wars. Kahit na normal na chismisan lang naka-mega rin.The TrashMakers
Sila ang nangunguna sa mga kaganapan na pinag-uugatan ng lahat ng klase ng kaguluhan at awayan, lalo na sa MWAR or chat.The TrashTalkers
Ito ang player na walang ibang bukang bibig kundi pagmumura at mahilig makipagbangayan sa kapwa players.
The Descendants of Skaild
Sila ang mga players na uutuin ka lang. Paasaahin ka. Pero sa bandang huli, i-scam ka lang. Nasa lahi na nila ang ganitong gawain.
The Rant Warriors
Sila ang mga nangunguna sa pagrereklamo at pagra-rant. Hindi lang sila sa in-game naghahasik ng galit, pati sa Facebook at forums rin. Pero online lang sila malakas mag-complaint. Kapag nasa on-ground hindi mo naman sila makitang minumura ung GM sa mga on-ground events.
The LOL
Ito ang player na kahit ano ang pag-usapan sa chat, ang palaging sagot ay "hahaha!"The Endless Souls
Ito ang mga characters na hindi napapagod, hindi natitinag, hindi naglo-logout, hindi natutulog. Ma-DC man ay babalik ring muli. Same spot, same activity. Ito ang ang mga bots na nakatoka sa mga mapa.The Pseudo-Ultrons
Ito ay mga characters na pinapagalaw ng isang uri ng computer program upang makapag-quest at makaipon ng alz. Also known as auto quest characters.The Sorcerers
Sila ang mga players na may angking mahika na ginagamit upang makalamang sa ibang players.The Dark Magician
Ito ang player na nakagagawa ng computer programs na ginagamit ng mga Sorcerers, Endless Souls, at Pseudo-Ultrons.O mayroon bang hindi naisama? Comment lang! Haha!
wow.... parang kompleto na nga lahat ahahaha
ReplyDeleteayos ba? wahahahaa
Deletehindi may kulang pa ito un The Colonial Mentality - Silang ung mga tipo na kapag ang guild nila ang pinaka malakas at kapag merong nag exist na laging active na new guild sa in-game hinihikayat nila ito upang mas lalong lumakas ang pinaka IMBA na guild
Deletehindi may kulang pa ito un The Colonial Mentality - Silang ung mga tipo na kapag ang guild nila ang pinaka malakas at kapag merong nag exist na laging active na new guild sa in-game hinihikayat nila ito upang mas lalong lumakas ang pinaka IMBA na guild
ReplyDeleteHahahaha, galing galing :) clap clap.. orion and draco player here.
ReplyDeleteThe Buy and Sellers Bebenta mo nang 8b items mo mag offer ng 4b pag nag pass ka sila pa galit 😂
ReplyDeleteAng Gwapo talaga ni dylan
ReplyDeletexD
Delete