Skip to main content

10 Reasons to Come and Celebrate Cabal 10th Anniversary

10 Reasons to Come and Celebrate Cabal 10th Anniversary

Nag-aalangan ka pa rin bang pumunta sa Cabal 10th Anniversary Party sa June 24, 2018 sa SM North Edsa Skydome? Heto ang 10 reasons para hindi ka na mag-dalawang isip pa!


Door Prize Full Equipment Set

1. Door Prize Full Equipment Set : 30-days worth of accessories, set, weapon, costume + birthday ring pa! Tignan dito ang kumpletong listahan ng full equipment set.

Meet CABAL CM / Cosplayers / Ambassadors

2. Meet CABAL CM / Cosplayers / Ambassadors : Ito na ang pagkakataon para makilala at makita ng personal sila CM Winter, Sharmae, Ghelai PH, at Cabal Twins! Makikita rin natin ang mga naggagandahan at naggwagwapuhang participants ng Mr. and Ms. Nevareth 2018!

Meet and Greet Mr. Wormy

3. Meet and Greet Mr. Wormy : Makiki-join rin si Mr.Wormy sa pag-celebrate sa 10th anniversary ng Cabal PH! Sa mga hindi pa pamilyar kung sino siya (pero I doubt it), siya ang ultimate source of information about Cabal Online.

Buy Cabal Merchandise

4. Buy Cabal Merchandise : Mabibili ang official Revolut10n jackets, t-shirts, ballers at lanyards sa June 24. At syempre, mabibili nyo rin ang custom gaming mousepad na ibebenta ko! Haha!

Cabal 5v5 Carnage

5. Cabal 5v5 Carnage : Labanan na naman ng mga mahuhusay sa tournaments! Suportahan natin ang ating mga teams!

Unite and join the guild-related activities

6. Unite and join the guild-related activities : Pabonggahan na ng Guild City. Pagalingan sa Guild Feud. Pagandahan na ng Guild T-Shirt at Guild Banner!

Party with special guests

7. Party with special guests : Maki-jamming and party na sa mga performances ng Chicosci, Dhruva Tara, Snakefight, Urie's Attack,Y.O.U, at Japhdolls!

Participate and win in games and side events

8. Participate and win in games and side events : Manalo ka ng mga in-game items kapag sumali ka sa King of Combo, Dungeon Legends, Alz o Kahon, at sa Cabal Spinoff. Hindi pa sure kung meron pa rin bang Cabal Archery, pero malay natin!

Bonding with guild mates and friends

9. Bonding with guild mates and friends : May kanya-kanyang buhay ang bawat isa sa labas ng Nevareth, pero ang mga ganitong events ay magandang pagkakataon to meet up para mas makilala mo ang iyong mga ka-guild, mga ka-team sa mission war, mga ka-party sa dungeons at Senillinea!

Celebrate Cabal Online PH

10. Celebrate Cabal Online PH : Hay naku, marami nang pinagdaanan ang online game na paborito nating laruin lahat. Bawat isa sa atin may kanya-kanyang istorya sa kung paano naging parte ng buhay natin ang Cabal Online. Let's spend this day to enjoy and thank the game itself for being there for us — through the good and bad times. Ganern! Hahaha!

Comments