Skip to main content

Cabal Mobile Updates and Concept Art Revealed


Nitong Jan. 9, 2019, nag-post si Mr.Wormy ng panibagong video update about Cabal Mobile.
  • Cabal mobile 2014 to 2018 updates
  • Cabal mobile 2019 update
  • Cabal mobile concept art

Backtrack: 2014 to 2018

November 2014 ng magkaroon ng contract signing sa isang Chinese game development and publishing company para mag-develop ng mobile version ng Cabal Online. Gagamitin daw assets ng Cabal Online para sa mobile game at ipa-publish globally.

Sa ilalim ng project name na Project: MC2, ang title ng mobile game ay: Cabal: Another Epic (maaari pang magbago). Isang in-game screenshot (development phase) ang ni-release nila that time.

Cabal Mobile in-game screenshot from Project MC2

In my opinion, mas hawig nito ang graphics from CABAL II kaysa sa CABAL Online. Mapapansin natin na wala ring ganitong klase ng armor, set, weapon, o pet sa CABAL Online.

Ayon sa balita nitong June 2018, ready na daw ang mobile game at dinevelop ito gamit ang Snake engine (same engine na ginamit rin sa PC game ng CABAL). Plano ng ESTSoft na i-release na ang CABAL Mobile sa winter (2018) sa Korea. (But wait, nai-release na nga ba?)

Wala pang gaanong kumpirmado pero ayon sa mga naunang releases from developers, ang mobile game ay naka-focus bilang isang team-based strategy game play, at hindi action game.

Maaaring ang Nexon ang makakuha ng rights na i-publish ito globally at ayon sa mga rumors, baka maging available na sa labas ng Korea ang mobile game sa summer ng 2019.

Isa pa, pang-Android devices lang daw ang ginawan ng mobile game.

2019 Updates

Marami ang humihiling na magkaroon ng CABAL mobile, mainly because of its portability. Pwede kang maglaro kahit saan at kahit kailan using your mobile phone.

Paalala lang na ang mobile game na ito ay ibang game. Hindi siya related or connected sa PC version. Hindi mo maaaring i-open sa mobile app ang account mo sa PC version. You need to create a new, fresh account for this mobile game.
Related: CABAL mobile game interface concept

CABAL Mobile Concept Art

Naglabas ng ilang concept art si Mr.Wormy sa pinaka-recent video update nya about CABAL Mobile.

Nana - an NPC???

Ayon kay Mr.Wormy, maaaring isang NPC si Nana, especially dahil sa sample dialogue nito. Pinakita rin ang cloak, owl, at necklace nito.

Nana - CABAL mobile concept art

Nana (dialogue) - CABAL mobile concept art

Nana's Item Set (clock, owl, necklace) - CABAL mobile concept art

Phileas - another NPC???

Posibleng isa ring NPC si Phileas. Pinakita rin ang mga items niya: fountain pen, leather bag, guardian bluebird, at quest encyclopedia.

Phileas - CABAL mobile concept art

Phileas (dialogue) - CABAL mobile concept art

Phileas' Item Set (fountain pen, leather bag, guardian bluebird, quest encyclopedia) - CABAL mobile concept art

CABAL Mobile concept art:



Panoorin ang buong video update ni Mr.Wormy about sa CABAL Mobile:



Ano sa tingin nyo? Let me know your thoughts sa comment section or sa Facebook page!

Image / Info Sources: Mr.Wormy Cabal Another Epic, Cabal Mobile is going to be released, Cabal Mobile What, Where, Who, When, Why and How, Cabal Mobile Concept Art Revealed

Comments

  1. Sana maging massive failure to, kagaya sa Cabal 2.

    ReplyDelete
  2. nakjo parasakin may nakikita akong posibleng pagtamlay sa pc version kung sakaling magkaka cabal mobile kasi nga kung mag kaka mobile maaaring ang kadamihan or usually mga players ng cabal ay mahumaling sa mobile version at mabaling ang atensyon nila sa mobile version. so maaaring mabawasan ang daily log ins sa cabal pc. yun ang nakikita ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Possible naman talaga na maging na kumonti ang maglalaro sa PC, pero ok lang un. Hardcore PC gamers will remain sa PC, especially since mas maganda pa rin ang magiging gameplay ng PC version kesa sa mobile version. OK lang un.

      Delete
  3. Hoping na meron din for Windows Phone. 😀

    ReplyDelete

Post a Comment