Skip to main content

Countdown: Top 10 Things that I Hate in Cabal Online!

Countdown: Top 10 Things that I Hate in Cabal Online!

Hello mga Cabalista!

Heto ang pinakabagong series dito sa aking blog which will be called "The Top 10 Countdown". Similar to the TV show "Ang Pinaka," I will be listing Top 10 of anything related to Cabal Online, and ika-countdown natin ito from the lowest or least (Top 10) going to the "pinaka" or highest (Top 1).

At ang una kong naisip ay: Top 10 ng mga bagay na kinaiinisan ko sa mundo ng Cabal Online. (haha!) Shall we start? :)

Top 10: Walang Auto Attack/Combo ang BM3

Seriously. Mabilis akong napapagod at naiinip sa kakapindot ng AABA BAAB at BBAB na yan. Kaya may sikreto akong pagmamahal sa BM2 at BM1 dahil chill lang ako kahit na big boss lang kalaban! Kapag BM3, hindi ka pwedeng mag-alt tab para dumaldal sa Facebook habang bumabanat ang character mo sa mobs. LOL

Top 9: Disconnected sa Last Minute ng Mission War

Hindi ako madalas mag-MWar, kaya naman kapag natye-tyempuhan ako ng internet connection ko - at idagdag mo pa ang super lag, idagdag mo pa na minsan failed to connect pa - aba, kahit gaano kabilis ang mga daliri mo sa pagpindot ng username at password, wala. Hindi ka aabot.

Tapos nasa mga 500 pataas na yung war points mo? Ay naku, para akong sinukluban ng Porta Inferno sa sobrang pagka-down. Nakakapanghina kaya. All efforts wasted. T_T

Top 8: Upgrading Items

"I-ups na yan!" Ang kantyaw ng magagaling nating katropa at kaguild sa Cabal pagkatapos mong i-link ung item mo. Obviously, hindi ako nag-uups ng items, kaya hanggang +8 at +9 pa lang ang gamit ko. LOL.

Naalala ko ung Mithril Katana + 9 ko. Ang dami kong inipong UCHH para maiups ito. Tapos ayun! Naging + 4 sya bandang huli. Ang sakit bes. Nagtemporary quit ako nun. Pinaups ko sa iba ng katana, aun +9 na sya ulet. Haha. Tapos hindi ko pa ma-master ung upgrading points na sinasabi nila. T_T

Top 7: Pa-Add Buddy tapos Pa-View ng Set

Seriously, people. Ayoko sa mga players na ganito "Ate pa-add buddy" at kapag in-accept mo na i-PM ka ng "Anong + ng set mo? Pwedeng paview?" Kapag mabait mode, minsan nili-link ko pa ung martial suit ko. Pero kapag hindi naman, sa imagination ko, napatay ko na sa kalmot ng BM2 ung character ng nagtatanong.

Top 6: Mga Tamad Magbasa

Maraming ganito, especially sa Cabal PH Facebook page. Nakapost na nga yung detalye, itatanong pa. Binigay na nga ung website link, gusto ieexplain na lang sa kanya. LOL. Pero mahaba naman patience ko sa ganito.

Maybe it's one of the perks (or curse) in blogging. Kaya nga ako nagba-blog, para basahin natin (kung gusto nyo lang naman basahin LOL). Basa basa rin pag may time ha, bes.

Top 5: Trolls and Reklamadors

Behold! Ang mga keyboard warriors ng 21st century. Marami rin nito sa Facebook page at sa Cabal Forums. Well, we all deserve naman the freedom of expression, pero ung iba may mai-reklamo lang e. Sabihin na lang natin na ganito: may mga alam tayo kaya tayo nakakapagreklamo na bakit ganito, bakit ganyan?

Pero meron rin tayong mga hindi alam, mga bagay na di sinasabi satin (dahil baka hindi pwedeng sabihin dahil confidential, ganun). So sana before tayo mag-rant, let's try to calm down ourselves, tapos icomment ninyo ng assertive un mga hinaing at comments ninyo.

Wag naman iyung hindi lang maka-connect after ng 3 beses or hindi lang agad pumasok sa cash inventory 'yung binili, magmumura na dun sa Facebook page. Wag ganun, bes. Inhale. Exhale. Minsan kasi nakakahawa yan e. Bad vibes yan.

Top 4: Private Servers

Mga hindi legit na game publishers. Basta. Ayoko lang sa kanila. Hahaha! Cabal PH tayo dito, uy! Kapag may nag-mention nyan sa akin, bigla na lang akong nananahimik.

Top 3: Impersonators

Minsan, may nagtatanong sa akin: "Ate, legit ba itong GM na nagbebenta ng alz at i-+15 na daw agad ung gamit?" sabay send sa akin ng screenshot nung usapan nila. Boom! GM impersonator pala.

Pakiusap lang mga kapwa gamers, wag tayong magpapaniwala sa mga ganyan. Una, hindi sila nagbebenta ng alz. Pangalawa, hindi nila iisa-isahin i-message ang mga players para lang magbenta. Meron silang mall events where you can buy scrolls or bundles and it's legit. Merong in-game events kung saan pwede kayo magpapalit ng items or mag-upgrade. Kung gusto ninyo bumili ng alz, bumili kayo ng voucher sa Item Shop tapos ibenta ninyo sa auction.

Simple lang 'di ba? Safe pa. Kaya etong mga piece of poops na impersonators, mag-iingat kayo sa mga 'yan. Tsk!

Top 2: Scammers at Scam Sites

Eto yung mga level 1 characters na naka-megaphone pa at magsa-shout ng:

"Selling > Item blah blah"

tapos sa dulo merong:

[GM] Jinghiro: Visit cabal.something.website to redeem your free items"

Ayun, bumisita si player. Tinype sa form ang username, password at subpass. Ayun, na-hack. Ayun iyak. Ayun, punta sa Facebook page. Ayun magra-rant ng "Si GM hinack ako, ni-blocked ako. $%$@$@#$23@#".

Ganito ang istorya ng ilang players, mga bes. Oo, alam ko - syempre 'yung ibang players, alam na nilang modus ng scammers yan. Pero ung iba, hindi nila alam, bes. In short, may nabibiktima pa rin.

Yung mga piece of poops talaga na 'yan. Panira ng community. Tsk.

Top 1: Cheaters

And finally, ang pinaka-ayoko - ang mga cheaters. Ayokong nababalitaan na may cheater sa guildmates ko. Kapag may nakilala akong players sa totoong buhay na nagche-cheat pala, nag-iiba ang tingin ko sa kanila.

Kung ako ang nagha-handle ng Cabal, no mercy yan. No bail. Perma ban.

Pero gusto ng Cabal PH community na bigyan kayo ng chance mga bes. Kaya magbago na kayo, please naman oh? Hahahaha!


So let's recap the Top 10 things that I hate in Cabal Online:
  • Top 10: Walang Auto Attack/Combo ang BM3
  • Top 9: Disconnected sa Last Minute ng Mission War
  • Top 8: Upgrading Items
  • Top 7: Pa-Add Buddy tapos Pa-View ng Set
  • Top 6: Mga Tamad Magbasa
  • Top 5: Trolls and Reklamadors
  • Top 4: Private Servers
  • Top 3: Impersonators
  • Top 2: Scammers at Scam Sites
  • Top 1: Cheaters
Hate nyo rin ba ang mga hate ko? Anong hate nyo? I-comment na yan! ;)

Comments

  1. Lahat yan hate ko din plus mga 'posers'. Gagaling umarte na mga pabebe kunwari babae para makahuthot ng items sa nga uto utong mga players pero in real life mga barako lang pala. Tsk tsk. Gagamit pa ng picture ng iba sa fb, kawawa tuloy yung image nung ninakawan ng identity. -Dreidre

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly. Kaya dapat wag basta basta magpapa-linlang! hahaha

      Delete
  2. yung baka mas magaling pa ang bata mag manage ng game -_-. payaman nlng ba alam ng cabal management team? hindi ba sila marunong mag mahal ng players? mag isip naman muna sila bago mag pa event. kung hindi kaya ng server, bakit ka mag papa event ng per hour log in? ang pinakamagnadang gawin ay wag umasa, kasi masasaktan ka lng gaya ng ginawa nya sayo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya ako di na umaasa. Gawin na lang kung alin ang pwede gawin. Hehe Suggest ka sa forums or sa facebook, kung may mga naiisip ka na possible na solutions to help the game :)

      Delete
  3. i think that you left out on the most hated part of cabal gaming...... please try to connect later / please re login

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think nun nagawa ko tong post na to ay hindi pa ganon kalala ung pahirapan magconnect. Most of the time, kinakaya naman ng #noclicknojutsu, so I guess pwede ko sya maskip para saken. Not sure about others hehehe

      Delete
  4. same tayo ng hate miss dandie AHAHAHAHAHAHA

    ReplyDelete

Post a Comment